IBCTV13
www.ibctv13.com

Procurement ng learning materials para sa FY 2025, pinabibilis ni Sec. Angara

Alyssa Luciano
371
Views

[post_view_count]

(File photo by Rey Mella Ladua, IBC 13)

Nilagdaan na ni Department of Education (DepEd) Secretary Juan Edgardo “Sonny” M. Angara ang DepEd Memorandum 049, s. 2024 na nagmamandato para sa Early Procurement Activities (EPA) ng ahensya.

Layon nitong pabilisin ang procurement o ang paghahatid ng educational materials at services sa mga paaralan sa bansa tulad ng mga textbook, learning tools, infrastructure projects, at iba pang programa para sa Fiscal Year 2025.

“We are making every effort to improve our procurement process and accelerate its pace,” saad ng kalihim.

Alinsunod sa inilabas na memorandum ng DepEd, tututukan ng kanilang central office ang mga proyektong kinakailangan iprayoridad tulad ng pagbibigay ng textbook, e-Learning Cart packages, testing materials, at learning tools at equipment.

Ang mga regional at schools division office naman ay magsasagawa ng EPA para sa procurement ng smart-TV packages, laptops, school furniture, electrification projects, school health facilities, at ang pagtatayo ng mga paaralan.

Batay sa inilabas na indicative timeline ng DepEd, magsisimula sa Oktubre hanggang Disyembre 2024 ang proseso ng bidding para sa mga inilahad na proyekto kung saan inaasahang igagawad ang kontrata at Notice to Proceed (NTPs) sa Enero 2025.

Matatandaang aabot sa P793.177 billion ang nakalatag na pondo ng DepEd para sa FY 2025 kung saan humirit pa si Angara ng karagdagang P61.74 billion na gagamitin naman upang idagdag sa budget na nakalaan sa iba pang proyekto tulad ng Infrastructure for Safer and Resilient Schools Project. -VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

67
Views

National

Ivy Padilla

56
Views