IBCTV13
www.ibctv13.com

Programa para sa pagsasanay ng ICT skills, inilunsad ng DICT

Jerson Robles
140
Views

[post_view_count]

DICT, Google Asia Pacific, and Coursera collaborate to strengthen the ICT workforce in the Philippines (Photo from DICT)

Naglunsad ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng Google Career Certificate Program (GCCP) upang bigyan ng kasanayan ang maraming sektor sa bansa lalo na ang mga Pilipinong walang trabaho.

Sa pagtutulungan ng Google Asia Pacific at Coursera, ang GCCP ay naglalaman ng Google AI Essentials course na layuning mapabuti ang produktibidad gamit ang mga generative artificial intelligence tools.

Kabilang sa sakop ng programa ang mga estudyante sa unibersidad, disadvantaged groups, empleyado ng MSME, at mga kawani ng gobyerno sa larangan ng cybersecurity, data analytics, IT support, at project management.

Ayon kay DICT Assistant Secretary for Consumer Protection Wilroy V. Ticzon, bahagi ito ng mas pinalawak na pagsisikap ng gobyerno na palakasin ang digital workforce ng bansa sa harap ng tumataas na demand para sa mga ICT professionals.

“This breakthrough launch is a big step towards realizing the administration’s goal of a cyber-secured Philippines,” saad ni Ticzon.

Ipinahayag din niya na ang pagpapanatili ng isang talent pipeline ng mga digitally empowered at future-proof professionals ay magpapatibay sa posisyon ng Pilipinas bilang isang umuusbong na global cybersecurity leader.

Inilunsad ang GCCP noong National Cybersecurity Awareness Month noong Oktubre ng nakaraang taon, na nagpapatibay sa pangako ng administrasyon na bumuo ng isang cyber-secure na bansa.

Ang paglulunsad ng programa ay kasabay ng pagbuti ng posisyon ng Pilipinas sa 2024 United Nations Global Cybersecurity Index.

Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, inaasahan na mas maraming Pilipino ang magkakaroon ng mga kasanayang kinakailangan sa industriya at makikinabang mula sa mga oportunidad sa trabaho sa hinaharap. – VC

Related Articles