IBCTV13
www.ibctv13.com

Project LIGTAS+ ng DepEd, solusyon sa learning loss ng mga paaralan sa panahon ng sakuna

122
Views

[post_view_count]

Project LIGTAS+, an AI-powered platform that tracks real-time hazards to protect schools and prevent learning disruptions, was launched nationwide by the Department of Education today, August 26. (Photo courtesy of DepEd)

Inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang Project LIGTAS+ o Learning Institution Geohazard Tracking and Assessment for Safety, isang nationwide platform na naglalayong palakasin ang kahandaan ng mga paaralan sa mga sakuna.

Pinangunahan ni DepEd Secretary Sonny Angara ang nationwide launch ng programa, na gumagamit ng artificial intelligence (AI), satellite imagery, at geospatial analytics upang makapagbigay ng real-time na impormasyon sa mga paaralan para sa posibleng panganib.

Ayon kay Angara, hindi dapat hintayin ng mga paaralan na mangyari ang sakuna bago ito kumilos.

“We have to make sure that our schools are prepared, ready to respond, and ready to move forward with learning, whatever challenges may come,” ani Angara.

Batay sa datos ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), umaabot sa average na 40-50 araw ng pag-aaral ang nawawala sa mga paaralan bawat taon dahil sa mga natural disaster.

Sa isang demonstrasyon, ipinakita na sa pamamagitan ng LIGTAS+ ay maaaring paikliin ng sistema ang paggawa ng situation report mula ilang oras hanggang limang minuto.

Maaari rin nitong bantayan ang dami ng ulan, temperatura, bilis ng hangin at iba pang kondisyon ng panahon.

Gagamitin din ang mga datos mula rito sa pagpaplano ng mas ligtas na mga gusali ng paaralan at sa paglalagay ng mga emergency learning materials sa mga lugar na madalas tamaan ng sakuna.

Katuwang ng DepEd sa pagpapatupad ng programa ang Department of Science and Technology (DOST), PAGASA, Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PAGASA), at UP Resilience Institute (UPRI).

Patuloy sa paghahanda ang DepEd sa pagbuo ng mga patakaran at pagsasagawa ng mga pagsasanay upang matiyak ang maayos na implementasyon ng nasabing platform sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa. VC