IBCTV13
www.ibctv13.com

Protection order sa KOJC vs. kapulisan, pinawalang-bisa ng CA

Ivy Padilla
245
Views

[post_view_count]

Police personnel were seen serving a warrant of arrest outside the KOJC compound. (File photo of PNA)

Pinawalang-bisa ng Court of Appeals (CA) sa Cagayan De Oro ang temporary protection order (TPO) na inilabas ng Davao court laban sa mga operasyon ng kapulisan para mahuli si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon sa CA, ang Davao RTC Br. 15, sa pangunguna ni Judge Mario C. Duaves, ay kumilos nang walang awtoridad (acted without authority) sa paglalabas ng protection order laban sa operasyon ng pulisya noong Agosto 27.

Kaugnay nito, itinalaga na ng Supreme Court sa Quezon City Regional Trial court ang paghawak ng kasong rape at human trafficking laban kay Pastor Quiboloy.

Sa isang press briefing, binigyang-diin ni Philippine National Police (PNP) spokesperson PCol. Jean Fajardo na patunay lamang ang desisyon ng CA na tama ang ginawang paghahain ng arrest warrant ng kapulisan laban sa puganteng lider.

“Ang implication lang nun ay tama from the start ang PNP na yung nilabas na TPO and even yung cease and desist order nila ay walang kinalaman yun doon sa pag iimplement natin ng warrant of arrest. But be that as it may, kahit ganun pa rin yung content ng TPO ang sinasabi ng CA ay wala itong basehan,” saad ni Fajardo.

Patuloy ang pagtutugis ng pwersa ng kapulisan kay Quiboloy na pinaniniwalaang nagtatago lamang sa loob ng KOJC compound. -VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

51
Views

National

Ivy Padilla

68
Views