IBCTV13
www.ibctv13.com

Pulu-pulong pag-ulan at thunderstorms, asahan sa malaking bahagi ng bansa sa Araw ng Kalayaan – PAGASA

119
Views

[post_view_count]

(Canva file photo)

Dalawang weather system ang inaasahang makakaapekto sa bansa sa pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan sa darating Biyernes, Hunyo 12, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)

Una na rito ang Southwest Monsoon o Habagat na patuloy magdadala ng maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Extreme Northern Luzon, partikular na sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Norte, at Ilocos Sur.

Asahan naman ang pagbabalik ng maalinsangang Easterlies sa nalalabing bahagi ng bansa, kabilang ang Metro Manila, na posible ring magdulot ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na panahon.

Maaari ring maranasan ang isolated rainshowers at thunderstorms, partikular na sa Eastern Visayas, Caraga, Northern Mindanao, at Zamboanga Peninsula dahil sa Easterlies.

Samantala, asahan ang mahina hanggang sa katamtamang “southerly to southwesterly winds” sa Hilaga at Gitnang Luzon sa Biyernes.

Mahina hanggang sa katamtamang “easterly to southeasterly winds,” na may kasamang bahagya hanggang sa katamtamang alon ng dagat naman ang iiral sa natitirang kapuluan ng Pilipinas. – IP