IBCTV13
www.ibctv13.com

Rape victims, hindi na kailangan patunayang pumalag, nanlaban – SC

Ivy Padilla
224
Views

[post_view_count]

Nagdesisyon ang Supreme Court (SC) na hindi na kailangan mapatunayang tumutol o nanlaban ang isang rape victim kung ang panggagahasa ay ginamitan ng puwersa, pagbabanta, o pananakot.

“The Court ruled that in rape cases committed through force, threat, or intimidation, it is enough that such force, threat, or intimidation existed and was strong enough to prevent the victims from asserting their will, determined from the victims’ perspective,” saad ng SC.

Ang desisyon ay pinagtibay ni Associate Justice Maria Filomena D. Singh nang hatulan ang isang lalaki dahil sa panggagahasa sa kanyang babaeng anak mula nang ito’y siyam hanggang labing anim na taong gulang.

Ayon sa Korte, ang ganitong klaseng insidente ay sapat na para mapatunayan na may puwersa, pagbabanta o pananakot sa biktima sa loob ng ilang taon.

Sa ilalim ng Article 266-A ng Revised Penal Code, maituturing na rape kung ang pakikipagtalik ay ginawa: (a) sa pamamagitan ng puwersa, pagbabanta o pananakot; (b) kapag ang biktima ay walang malay o walang katinuan; (c) sa pamamagitan ng panlilinlang o pang-aabuso ng kapangyarihan; o (d) kapag ang biktima ay wala pang 12 taong gulang o may sakit sa pag-iisip.

Binigyang-diin ng Korte Suprema na ang mga naunang desisyon na hindi maaaring ituring na biktima ng rape ang isang babae kung hindi ito tumutol ay hindi alinsunod sa kasalukuyang doktrina at hindi katanggap-tanggap sa isang sibilisadong lipunan.

“The belief that if a woman does not resist, then she consents to the rape is unacceptable in any civilized society. It presumes that men are entitled to free access to a woman’s body at any given time and place,” paglilinaw ng SC. -VC

Related Articles