![](https://ibctv13.com/wp-content/uploads/2025/02/1-21-1.png)
Iniulat ng Department of Energy (DOE) ang record-breaking na 794.34 megawatts (MW) na dagdag energy capacity noong 2024, alinsunod sa pagsisikap ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ilipat sa renewable energy ang Pilipinas.
Nalagpasan nito ang naitalang 759.82 MW o pinagsamang energy capacity na 230.10 MW noong 2021, 328.18 MW noong 2022 at 201.54 MW noong 2023.
Binigyang-diin ni Energy Secretary Raphael Lotilla na patunay ang paglago ng energy capacity noong nakaraang taon sa pagiging epektibo ng renewable energy policy ng gobyerno.
“The unprecedented growth in renewable energy capacity last year is a testament to the effectiveness of the government’s renewable energy policies and the unwavering commitment of the administration of President Ferdinand Marcos Jr. to chart a more self-reliant energy future for the Philippines,” pagbibigay-diin ni Lotilla.
Nakatulong aniya ang dagdag na capacity sa pagpapalakas ng grid reliability at relisience ng bansa na nagbigay ng mas matatag na suplay ng kuryente sa mga konsyumer na Pilipino.
“This milestone underscores our collective determination to accelerate the clean energy transition. With sustained collaboration, strategic investments, and policy support, we are confident in achieving our target of increasing the renewable energy share in the power generation mix to 35% by 2030 and 50% by 2040,” dagdag pa ng kalihim. – VC