Isang kasaysayan ang iginuhit ng ika-19 na Kongreso ng Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Martin Romualdez matapos kilalanin bilang isa sa pinaka-produktibong Kongreso ng Pilipinas.
Mula Hulyo 2022 hanggang Disyembre 2024, umabot na sa 13,454 na panukala ang inihain sa Kamara kung saan 1,368 dito ang naaprubahan habang 166 ang naging ganap na batas – kabilang na ang 73 national laws at 93 local laws.
Binigyang-diin ni Romualdez na prayoridad ng bawat batas na inihahain sa Kamara na makatulong sa pag-unlad ng bansa at makapagbigay ng mas marami pang oportunidad para sa mga Pilipino.
“This Congress has set a new standard for productivity and purpose. Our collective achievements reflect our deep sense of duty to the Filipino people, ensuring that every measure we craft, debate, and pass uplifts lives, strengthens communities, and builds a resilient nation,” pahayag ng House Speaker.
Matatandaang aktibo rin ang mga mambabatas sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa mahahalagang isyu ng bansa upang matiyak ang transparency at accountability ng bawat opisina at opisyal ng pamahalaan.
“We will not rest until every Filipino feels the impact of the progress we are creating—until we achieve a nation that is truly inclusive and empowered,” pagtitiyak niya.
Bukod dito, kinilala rin ni Romualdez na malaking bahagi ng tagumpay ng Kamara ay ang pakikipagtulungan ng Senado upang matiyak na ang mga batas ay praktkal at kapaki-pakinabang para sa lahat. – AL