IBCTV13
www.ibctv13.com

Record-high na P1.62-T halaga ng pamumuhunan, inaprubahan ng BOI ngayong 2024

Ivy Padilla
159
Views

[post_view_count]

Pumalo sa record-high na P1.62-trilyong halaga ng pamumuhunan ang inaprubahan Board of Investments (BOI) ngayong taong 2024, mas mataas kumpara sa naunang target ng ahensya na nagkakahalaga ng P1.5-trilyon.

Ito rin ay 28.6 porysentong mas mataas sa all-time high na P1.26-trilyong halaga na naitala noong 2023.

Binigyang-diin ng Department of Trade and Industry (DTI) na sumasalamin ito sa malakas at matatag na tiwala ng parehong local at international investors sa bansa.

Bukod sa BOI, nahigitan din ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang target nitong P200-bilyong halaga ng pamumuhunan ngayon taon matapos makapagtala ng kabuuang P214-bilyon na investments sa bansa.

Ang bilang ng pamumuhunang ito ay 22 porsyentong mas mataas mula sa P175.71-bilyong halaga na inaprubahan noong nakaraang taon.

Iniuugnay ng DTI ang mataas na investment approval ng PEZA sa patuloy nitong pagsulong at pagpapalawak ng ecozones upang makaakit ng mas maraming high-growth industries at makapagbigay ng world-class support sa mga mamumuhunan.

Umaasa naman si DTI Secretary Cristina Roque na ang mga inaprubahang pamumuhunan ng BOI at PEZA ay lilikha ng mas maraming trabaho, magsusulong ng pagbabago at tutulong sa paglago ng ekonomiya.

“As we approach 2025, we are determined to build on this positive momentum. We will continue to refine and implement forward-looking policies that attract investments in these key industries, ensuring that the Philippines remains a prime destination for innovation and growth,” saad ni Roque.

“Our commitment is to create an environment where businesses thrive, sustainability is prioritized and economic opportunities benefit all Filipinos,” dagdag pa niya. – AL

Related Articles