IBCTV13
www.ibctv13.com

Registration para sa National ID ng mga batang edad 1 taong gulang pababa, bukas na! – PSA

Hecyl Brojan
74
Views

[post_view_count]

Maaari nang iparehistro sa National ID system ang mga batang 1 taong gulang pababa, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA). 

Sa inilabas nitong public advisory, ipinaalam ng PSA sa publiko na kinakailangang rehistrado na ang magulang o guardian ng bata, dahil ang ID number nito ay ikokonekta sa kanilang National ID.

Kung hindi pa rehistrado, maaaring magpatala kasabay ng bata sa anumang PSA registration center o colocation site.

Sa pagpaparehistro, kailangang personal na samahan ng rehistradong magulang o tagapag-alaga ang bata at magdala ng alinman sa mga sumusunod na dokumento:

  • PSA o LCRO-issued Certificate of Live Birth
  • PSA o PFSP-issued Report of Birth
  • PSA-issued Certificate of Foundling
  • PSA-issued Certificate of Foundling
  • PSA-issued Certificate of Foundling o Certificate of Live Birth o Persons with No Known Parent/s
  • Philippine Passport o ePassport mula sa DFA
  • Anumang dokumentong may pangalan, petsa at lugar ng kapanganakan ng bata, pati pangalan ng magulang

Sa ngayon, demographic information at litrato lamang ang kukunin sa registration. Kapag umabot sa edad lima (5) ay tsaka kukumpletuhin ang biometric data.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang official channels ng PSA PhilSys sa Facebook, X (Twitter), at Viber Community. – AL