IBCTV13
www.ibctv13.com

Relief supplies para sa mga apektado ng pag-alburoto ng Mt. Kanlaon, sapat pa – DSWD

Jerson Robles
101
Views

[post_view_count]

Relief operations in Negros Island (Photo from PIA)

Nananatiling sapat ang relief supplies na maaaring ipamahagi para sa mga residenteng apektado ng pagputok ng Mt. Kanlaon sa Negros Island kamakailan, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa tala ng ahensya, umabot na sa 12,223 family food packs (FFPs) ang naipamahagi para sa mga apektadong pamilya mula Western Visayas habang 588 FFPs naman sa Central Visayas.

Aabot naman sa 1,508,038 na kahon ng FFPs ang naka-preposisyon sa mga warehouses ng ahensya at handang i-deploy sa mga nangangailangan.

Umabot na sa higit P10.7 milyong halaga ng humanitarian aid ang ipinamahagi, kasama na ang psychosocial assistance para sa mga apektadong residente.

Patuloy naman ang koordinasyon ng DSWD sa mga lokal na pamahalaan upang masiguro ang agarang tulong sa mga komunidad na naapektuhan ng pagputok ng bulkan.

Matatandaang pumutok ang Mt. Kanlaon nitong Lunes, Disyembre 9, kung saan agad ding itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang alert level nito mula 2 patungong 3, na nagpapahiwatig ng posibilidad ng mas mapanganib na pagsabog ng bulkan. – AL

Related Articles

National

Jerson Robles

47
Views

National

Divine Paguntalan

1055
Views