IBCTV13
www.ibctv13.com

Remittances ng overseas Filipinos, umangat sa $3-bilyon noong Pebrero 2025 – BSP

69
Views

[post_view_count]

Umabot sa $3.02 bilyon ang personal remittances na ipinadala ng overseas Filipinos (OFs) noong buwan ng Pebrero 2025, batay sa ulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Mas mataas ito ng 2.6% kumpara sa $2.95 bilyon na naipadala sa parehong buwan noong 2024, kung kaya sa kabuuan ay umabot na sa $6.27 bilyon ang remittances mula Enero hanggang Pebrero 2025.

Malaki ang naging kontribusyon ng parehong land-based at sea-based workers sa pag-angat na ito.

Sa kaparehong buwan, ang cash remittances na dumaan sa mga bangko ay tumaas din ng 2.7% mula $2.65 bilyon ay tumaas sa $2.72 bilyon.

Kaugnay nito, nangunguna pa rin ang Estados Unidos bilang pangunahing pinanggagalingan ng remittances na sinundan ng Singapore at Saudi Arabia.

Ayon sa BSP, ang pagtaas ng remittances ay patunay lamang ng patuloy na tiwala ng mga OFW sa financial institutions ng bansa, gayundin sa kahalagahan ng kanilang kontribusyon sa ekonomiya ng buong bansa. – AL