IBCTV13
www.ibctv13.com

Rep. Chua, bukas maging bahagi ng prosecution team sa impeachment ni VPSD ang mga bagong mambabatas

Earl Tobias
128
Views

[post_view_count]

Akbayan partylist first nominee Chel Diokno; Manila 3rd District Representative Joel Chua; ML partylist nominee Leila De Lima. [from left to right] (Photo from Chel Diokno; Joel Chua; Leila De Lima/Facebook)

Inihayag ni Manila 3rd District Representative Joel Chua ang pagiging bukas sa ideya na mapunan ang bakanteng pwesto ng 11 man prosecution team para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte mula sa mga bagong halal na mambabatas.

Kasunod ito ng katatapos lang na 2025 midterm elections nitong Lunes, Mayo 12, kung saan may ilang miyembro ng panel ang hindi pinalad na mahalal muli.

Ilan sa mga nakikita ni Chua na maaari nilang makasama sina Akbayan party list first nominee Chel Diokno at ML party list nominee Leila De Lima.

“Maganda rin na makasama namin sila dahil unang-una, nakita naman po natin hindi po ‘to mga ordinaryong mga kongresista, mga abogado ‘to,” saad ng mambabatas.

“‘Yung kanilang karanasan when it comes to legal matters ay talagang mabigat din naman,” dagdag niya.

Para naman kay De Lima, bukas siya sa anumang papel na maaaring igawad sa kanya–lalo’t may kinalaman ito sa paninindigan para sa katotohanan at hustisya.

“I’ll be giving it a serious thought and consideration. Ayaw ko po talagang pangunahan kung sino pong kakausap sa akin about that, but I’ll be always willing kung ano mang role ang magagampanan ko ng buong katapatan, I will do it,” pagtitiyak ni De Lima.

Sa kabila ng mga posibleng pagbabago sa komposisyon ng Kamara matapos ang halalan, sinabi ni Rep. Chua na buo pa rin ang kanilang kumpiyansa sa matibay na ebidensyang ihaharap laban sa bise presidente. – DP/VC