Ibinahagi ni House Committee on Appropriations chairperson Zaldy Co ang tungkol sa Medical Assistance for Indigent and Financially-Incapacitated Patients (MAIP) Program ng House of Representatives, isang programang naglalayong magbigay ng tulong medikal sa mga pasyenteng kapus-palad.
May pondong umaabot sa P2.439 bilyon, ang MAIP ay nakalaan para sa mga indigent at financially incapacitated patients na bahagi na mga pangunahing direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Una nang tiniyak ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na patuloy susuportahan ang mga programang nakatuon sa pagpapaangat ng kapakanan ng mga Pilipino.
“The directive of President BongBong Marcos has been very clear since day one — priority shall be given to healthcare. At kasama po diyan ang pagkalinga sa mga pasyente at mga manggagawa sa healthcare sector,” saad ni Pangandaman.
Kaugnay nito, nilinaw ni Co na may mga pagkakataon na hindi lahat ng ospital ay tumatanggap ng MAIP.
Sa kabuuan, layunin ng MAIP na matulungan ang mga pasyenteng walang kakayahang magbayad para sa kanilang gamutan at masiguro na makakakuha sila ng kinakailangang tulong medikal. – VC