IBCTV13
www.ibctv13.com

Research vessel ng China, namataan sa katubigang sakop ng Pilipinas – PCG

Ivy Padilla
100
Views

[post_view_count]

Information of Chinese research vessel, Song Hang, transiting through Philippine archipelagic waters. (Photo by PCG)

Kasalukuyang binabantayan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang Chinese research and survey vessel na Song Hang sa karagatang sakop ng Pilipinas na huling namataan sa layong 48 nautical miles ng Aborlan, Palawan bandang alas-8 ng umaga ngayong Miyerkules, Abril 2.

Unang namataan ang pagdaan ng sasakyang pandagat sa Cuyo Islands patungong Celebes Sea nitong hapon ng Martes, Abril 1.

Bagaman mayroong ‘right of innocent passage’ alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), patuloy ang pagmamanman ng PCG upang matiyak kung sumusunod sa lokal at internasyunal na maritime regulations ang nasabing research vessel.

Sa ulat ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela sa isang forum, nagpadala na ng hukbo para subaybayan ang bawat galaw nito.

Kaninang umaga, hinamon at sinubukang paalisin ng hukbo ng bansa ang research vessel ngunit walang nakuhang sagot mula sa Chinese vessel.

“The PCG remains committed to upholding the country’s sovereignty, securing its maritime domain, and ensuring the safety of all vessels navigating through Philippine waters,” pagtitiyak ng PCG. – VC