IBCTV13
www.ibctv13.com

Robi Domingo sa birthday wish na magka-baby: “Maybe it’s not time yet, but I’m hoping na mangyayari ‘yon”

Ivy Padilla
81
Views

[post_view_count]

Photo by Robi Domingo/Instagram
Photo by Robi Domingo/Instagram

Naging emosyonal ang TV host personality na si Robi Domingo nang ibahagi sa social media ang kanyang ‘birthday wish’ para sa kanyang 35th birthday nitong Setyembre 27.

Imbis na para sa sarili, hiniling ni Robi ang kagalingan ng asawang si Maiqui Pineda mula sa sakit na ‘dermatomyositis’ na isang rare autoimmune disease.

“I want Maiqui sick to be gone so that we can go back to our original plan,” hiling ni Robi.

Bagaman nakaplano na sana ang pagkakaroon ng anak ngayong taon, naniniwala ang TV host na hindi pa ito ang tamang oras para sa kanilang mag-asawa.

“Maybe it’s not time yet not yet, but I’m hoping na mangyayari iyon,” saad ni Robi.

Sa susunod na mga taon, ibinahagi ni Robi na kung loloobin ng Diyos, gusto na niyang ipakilala sa mundo ang pinagdadasal na anak.

“My plan in the next 5 years is to be a better house-band and husband and hopefully next year when the lord permits it when her (Maiqui) condition permits it, depende sa clearance ng doctors I hope to introduce you to a baby Robi as well or baby Maiqui or why not twins him her,” saad ng TV host.

Hindi pa man dumadating, handa na aniya siyang ibigay ang buong pagmamahal sa magiging anak.

“So if ever makita to ng anak ko wala ka pa ngayon sa mundo, I am so ready, oh why am I crying to give my love all my love para sayo,” mensahe niya. -VC

Related Articles

Feature

Alyssa Luciano

143
Views

Feature

Alyssa Luciano

131
Views