Tumaas pa ang trust at satisfaction rating ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong Disyembre batay sa pinakabagong survey ng Tangere.
Sa datos, nakakuha ang punong ehekutibo ng 60.1% na trust rating habang 25.3% lamang ang may ‘distrust’.
Ito ay bahagyang mataas kumpara sa 59.60% na nakuha ng lider noong Nobyembre.
Umakyat din sa 47.9% ang satisfaction rating ng Pangulo mula sa 47.30% noong nakaraang buwan habang 32.7% lamang ang ‘dissatisfied’ sa kanyang pamumuno.
Samantala, kapansin-pansin ang naging pagbaba ng trust ratings ni Vice President Sara Duterte mula 55.5% patungong 53.4%, gayundin ang dating 47.5% na performance rating na ngayon ay 45.5% na lamang.
Patuloy naman ang pamamayagpag ni Senate President Chiz Escudero bilang ‘highest-rated government official’ sa bansa matapos makakuha ng 61.5% na trust at 52.7% na satisfaction rating.
Isinagawa ng naturang survey mula Disyembre 16-19 saklaw ang kabuuang 2,000 respondente.