IBCTV13
www.ibctv13.com

Scientists, nagbabala sa posibleng pagkawala ng yelo sa Arctic ocean sa 2027

Divine Paguntalan
232
Views

[post_view_count]

Rare event of baby emperor penguins jumping off a 50-foot ice cliff. (Photo by National Geographic)

Maaaring maranasan ng Arctic ocean ang kauna-unahang ‘ice-free day’ sa taong 2027 dahil sa tumitinding epekto ng climate change, ayon sa pinakabagong pag-aaral na inilathala ng open access journal na Nature Communications.

Bagaman nababalot pa rin ng yelo ang Arctic ng buong taon sa loob ng napakatagal na panahon, mabilis ang nakikitang pagbabago rito dahil sa greenhouse gas emissions mula sa human activities tulad ng pagsusunog ng fossil fuels.

“The first ice-free day in the Arctic won’t change things dramatically. But it will show that we’ve fundamentally altered one of the defining characteristics of the natural environment in the Arctic Ocean, which is that it is covered by sea ice and snow year-round, through greenhouse gas emissions,” paliwanag ni Alexandra Jahn, climatologist sa University of Colorado Boulder at co-author ng nasabing pag-aaral.

Binigyang-diin ng scientists na malaki ang pangangailangan ng ‘urgent call to global action’ dahil sa malawakang epekto ng penomenon, kabilang na ang “rise of global temperature, more extreme weather like heavy storms and heatwaves and threats to Arctic wildlife.”

Bukod dito, ang pagkawala ng yelo sa northern hemisphere ng mundo ay nakakaapekto rin sa mga marine ecosystem at mga komunidad sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ayon sa experts, mahirap nang baliktarin ang epekto ng climate change ngunit may paraan pa upang mabawasan at mapabagal ang matinding pinsala nito lalo na sa tao gaya na lamang ng paglipat sa paggamit ng renewable energy. – VC

Related Articles

International

Divine Paguntalan

418
Views

International

Jerson Robles

162
Views