IBCTV13
www.ibctv13.com

Sec. Abalos kay Quiboloy: ‘Para matapos na ang lahat, face the court’

Ivy Padilla
449
Views

[post_view_count]

Photo of KOJC Pastor Apollo Quiboloy (Photo by Apollo Quiboloy)

Hinimok ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. si Pastor Apollo Quiboloy na lumabas na sa kanyang pinagtataguan sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City kung wala talaga itong kasalanan sa batas.

“Kung talagang wala siyang kasalanan, harapin niya ‘to at huwag siyang matakot dito,” panawagan ni Abalos.

“Para matapos na lahat, let’s face the court, Pastor Quiboloy,” dagdag pa nito.

Matatandaang una nang nagsilbi ng warrant of arrest ang Philippine National Police (PNP) kay Quiboloy sa KOJC compound noong Hunyo 10 ngunit bigo ang awtoridad na matunton ito.

Sa pangalawang pagkakataon, hindi pa rin nakita ng kapulisan ang puganteng lider matapos ang paghahalughog sa KOJC compound nitong Sabado, Agosto 24.

Ayon sa mga awtoridad, posibleng mayroong underground bunker sa KOJC compound na pinagtataguan ni Quiboloy at mga kapwa akusado nito.

“Now it’s time to tell the people your version of what really happened and let the Philippine legal system take its course,” matapang na saad ni Abalos.

Nahaharap sa kasong qualified human trafficking at child and sexual abuse si Quiboloy na nagtatago sa batas noong pang Abril 2024.

Related Articles