IBCTV13
www.ibctv13.com

Security aid ng US sa Pilipinas, magpapatuloy sa kabila ng foreign aid pause – DFA

Divine Paguntalan
52
Views

[post_view_count]

DFA Secretary Enrique Manalo and US Secretary of State Marco Rubio during the 61st Munich Security Conference in Germany on February 14-16, 2025. (Photo from Sec. Enrique Manalo)

Kinumpirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Ma. Teresita Daza na exempted ang security aid ng Estados Unidos sa Pilipinas mula sa pansamantalang pagpapatigil ng kanilang global foreign aid.

Opisyal itong ipinabatid ng Washington D.C. kung saan inaprubahan ang exemption para sa isang bahagi ng foreign military financing ng U.S. sa bansa.

Binigyang-diin ni Secretary Daza na patuloy ang bansa sa pakikipag-ugnayan sa Estados Unidos upang magkaroon ng mas matatag na alyansa at mapalakas ang defense cooperation at interoperability ng dalawang bansa.

“Both countries are committed to the treaty alliance and to efforts to further strengthen our defense cooperation and interoperability,” pahayag ni Daza.

“We will continue to engage the US government on the importance of our bilateral work in supporting our shared goals and priorities,” dagdag niya.

Bagaman hindi kinumpirma ng kalihim ang kabuuang halaga, napaulat na posibleng umabot ito sa USD 336 million.

Noong Pebrero 14, muling tiniyak nina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at US Secretary of State Marco Rubio sa isang pagpupulong sa Germany ang patuloy na pagpapaigting ng ugnayan ng dalawang bansa sa larangan ng seguridad at kaunlaran. – VC

Related Articles