Nais ni Senator Win Gatchalian na gawing prayoridad ang local poultry farmers upang mapanatili o mapalawak pa ang produksyon ng itlog sa bansa.
Kasunod ito ng banta ng highly pathogenic avian influenza (HPAI) o bird flu na nakakaapekto ngayon sa milyun-milyong egg-laying hens sa Estados Unidos.
Ayon sa senador, sakaling hindi mapigilan ang pagpasok ng sakit sa Pilipinas ay posible itong magdulot ng kakulangan ng suplay ng itlog na magbabadya ng pagtaas ng presyo nito.
Binigyang-diin naman ni Gatchalian na mahalagang ipagpatuloy at palakasin pa ng Department of Agriculture ang kanilang mga programa na nagbibigay ng suporta sa mga magsasaka, kabilang na ang pagkakaloob ng subsidy para sa feeds at veterinary services.
“While I recognize the efforts made by the DA to avert a potential shortage and subsequent price increases, we must prioritize the protection of our local industries,” mensahe ni Sen. Gatchalian.
“Programs that offer financial assistance, such as subsidies for feeds and veterinary services, should be strengthened to help farmers sustain or even increase egg production,” dagdag niya.
Kasabay nito, hinimok ng Senador ang mahigpit na pagbabantay laban sa hoarding at price manipulation na maaaring magdagdag sa pasanin ng mga mamimili. – VC