IBCTV13
www.ibctv13.com

Shiela Guo, inamin na magkakasama silang umalis nina Alice, Wesley sa Pilipinas

Divine Paguntalan
141
Views

[post_view_count]

Shiela Guo during the Senate hearing on August 27, 2024. (Photo by Senate of the Philippines)

Kinumpirma ni Shiela Guo sa pagdinig sa Senado na kasama niya sa pag-alis ng Pilipinas ang mga kapatid na sina Alice at Wesley patungong Malaysia sakay ng maliit na bangka mula sa Bamban, Tarlac noong Hulyo 18.

Ikinwento niya na sinundo sila ng isang van sa Tarlac bandang 7:00-8:00 p.m. at bumiyahe hanggang hatinggabi bago sumakay sa isang maliit na fishing boat.

Dagdag pa niya, si Alice mismo ang nag-aya sa kanila ni Wesley para lumabas ng bansa ngunit hindi niya alam kung saan sila pupunta at sa tuwing magtatanong siya sa dismissed mayor ay nagagalit pa ito sa kanya.

Kabilang din sa impormasyon na ibinahagi ni Shiela ay ang paglipat-lipat nila ng barko kung saan nauna silang sumakay sa isang maliit na bangka, papunta sa malaking barko at kinalaunan ay lumipat muli sa maliit na bangka papuntang Sabah sa Malaysia.

Matatandaang nitong Huwebes ay nakabalik sa Pilipinas si Shiela Guo kasama ang representative ng Lucky South 99 na si Cassandra Li Ong matapos mahuli sa Indonesia.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Passport Act ang kapatid ng dismissed Bamban, Tarlac mayor. – AL

Related Articles