IBCTV13
www.ibctv13.com

Short-lived La Niña, nagsimula na; inaasahang magtatagal hanggang 2026 – PAGASA

Ivy Padilla
245
Views

[post_view_count]

Photo by Divine Paguntalan

Inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng short-lived La Niña sa tropical Pacific kasunod ng pagbaba ng sea surface temperatures sa central at equatorial Pacific simula noong Nobyembre.

Batay sa ilang climate models, inaasahang magtatagal ang La Niña hanggang unang kwarter ng taong 2026.

Magdudulot ito ng higit sa mataas sa normal na dami ng ulan mula Disyembre 2025 hanggang Pebrero 2026 na maaaring magresulta ng mga pagbaha at mga pagguho ng lupa.

Bukod dito, posible rin na may mabuong Tropical Cyclone sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa nasabing period.

Nararanasan ang La Niña kapag umabot sa -0.5°C o mas mababa pa ang one-month sea surface temperature anomaly (SSTA). – VC

Related Articles

National

Kristel Isidro

73
Views

National

Kristel Isidro

113
Views

National

Wilnard Bacelonia, Philippine News Agency

216
Views