IBCTV13
www.ibctv13.com

Signal No. 1, itinaas sa ilang lugar sa Northern Luzon

Divine Paguntalan
663
Views

[post_view_count]

Satellite image of tropical depression Julian near Aparri, Cagayan, based on the 5:00 a.m. weather forecast of PAGASA. (Photo by PAGASA)

Batay sa 5:00 a.m. weather forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado, Setyembre 28, napanatili ng bagyong Julian ang taglay nitong lakas ng hangin malapit sa gitna na 55 km/h habang may pagbugso na aabot sa 70 km/h.

Huling namataan ang tropical depression sa layong 400 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan at kumikilos ito patungong Southward sa bilis na 10 km/h.

Itinaas naman ng PAGASA sa ilang bahagi ng Luzon ang Tropical Cyclone Signal No. 1.

Asahan ang ‘moderate to heavy rains’ ngayong araw sa Batanes at mainland Cagayan habang ‘heavy to intense’ rains naman ang posibleng maranasan sa Babuyan Islands.

Nakikitaan ng tyansa na mag-landfall ang bagyo sa bahagi ng Batanes sa Lunes, Setyembre 30 bandang tanghali o gabi bago lumabas ng Philippine area of responsibility (PAR) sa Oktubre 2 ng gabi o Oktubre 3 ng madaling araw. — VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

85
Views

National

Ivy Padilla

84
Views