IBCTV13
www.ibctv13.com

Singil sa kuryente ngayong Enero, bababa – MERALCO

Patricia Lopez
719
Views

[post_view_count]

(IBC file photo)

Magpapatupad ng bawas-singil sa kuryente ang Manila Electric Company (MERALCO) para sa unang buwan ng taon ngayong 2025.

Mula sa 10 centavos o P0.1048 kada kilowatt hour na pagtaas ng singil noong Disyembre 2024, mababawasan naman ito ngayon ng halos 22 centavos o P0.2189 kada kilowatt hour.

Ibig-sabihin nito, sa kada 200 kwh na pagkonsumo sa kuryente ng isang residential consumer ay may P44 na mababawas sa kanilang kabuuang bill.

Ipinaliwanag ng Meralco na ang bawas-singil ay bunsod ng pagbaba sa generation charge gayundin ang bahagyang pagbaba ng transmission charge.

“Taxes po halos six (6) centavos ang reduction dala na rin po yan ng reduction sa generation cost and other reduction…component at other charges katulad ng feed in tarrif power reduction subsidies…bumaba po ng halos three (3) centavos kada kilowatt hour,” paliwanag ni Joe Zaldarriaga, Meralco Spokesperson and Head of Corporate Communications.

Inanunsyo naman ng kumpanya na posible pa itong masundan sa Pebrero dahil sa utos ng Energy Regulatory Commission (ERC) na refund galing sa pinababalik na regulatory rest costs.

“Nagkaroon ng recent issuances ang ERC na nag-apply sa lahat ng distribution utilities sa Pilipinas…For Meralco, this means a one time refund of 22.6 centavos per kilowatt hour plus another refund that will be reflected P0.23/kwh,” saad ni Larry Fernandez, Meralco Head of Utility Economics.

“Pangalawang issue ng ERC allowing NGCP to recover reserve market related cost estimated add on 12 cents for 3 months,” dagdag niya.

Samantala, nilinaw ng Meralco na may mga posibilidad pa rin ng taas-singil sa mga susunod na buwan.

Kabilang na rito ang kaguluhan sa ibang bansa, consumption at paggalaw ng presyo sa spot market. – DP/VC