IBCTV13
www.ibctv13.com

Siphoning operations sa Bataan Oil Spill tuluy-tuloy; higit 800,000 litro ng langis nakolekta

Princess Balane
207
Views

[post_view_count]

Philippine Coast Guard uses its water cannon to agitate minimal oil sheen at ground zero in Limay, Bataan. (Photo by PCG)

Umabot na sa mahigit 800,000 litro ng langis ang nakolekta ng Philippine Coast Guard (PCG) mula sa tuluy-tuloy nitong siphoning operation para sa paglubog ng MKTR Terranova sa Limay, Bataan batay sa pinakahuling update ng PCG nitong Miyerkules, Agosto 28.

Pumalo sa 232,187 litro ng langis ang nakolekta ng PCG katuwang ang contracted salvor nito na Harbor Star para lamang sa araw ng Miyerkules, kaya naman aabot na sa 806,254 litro ang kabuuang nakuhang oil waste simula noong Agosto 19.

Napansin naman ng Harbor Star na aabot sa 24,614 litro kada oras ang rate ng oily waste flow para sa operasyon na isinagawa nila nitong Miyerkules.

Nagsagawa na rin ng inspeksyon ang contracted salvor para matukoy kung mayroon bang mga tumatagas mula sa mga pump at hose ng naturang motor tanker kasabay ng underwater survey para rito.

Kaugnay nito, nangolekta na rin ang PCG ng sample ng langis para sa pagsusuri.

Samantala, minonitor naman ng BRP Sindangan (MRRV-4407) ang naturang operasyon kasabay ng paggamit ng water cannon upang madala sa ground zero ang mga oil sheen. – AL

Related Articles

National

Ivy Padilla

68
Views

National

Ivy Padilla

56
Views