IBCTV13
www.ibctv13.com

SoKor Pres. Yoon, tuluyan nang na-impeach

Ivy Padilla
122
Views

[post_view_count]

South Korean President Yoon Suk delivered his speech during his visit in the Philippines last October 7, 2024. (Photo by PCO)

Tuluyan nang na-impeach si South Korean President Yoon Suk-yeol kasunod ng botohan ng mga mambabatas mula sa naturang bansa kung saan mayorya ay pumabor para sa kanyang impeachment nitong Sabado, Disyembre 14.

Sa kabuuang 300 mambabatas, 204 ang bumoto ng pabor, 85 ang tumutol, 3 ang nag-abstain habang 8 naman ang invalid votes.

Kasunod ng impeachment ay suspendido muna si Yoon sa opisina habang pinag-uusapan ng Constitutional Court ng South Korea ang boto laban sa kanya.

Matatandaang nitong Disyembre 3 ay bigo na maipatupad ni Yoon ang idineklarang martial law na agad din niyang binawi matapos ang ilang oras.

Nangako naman si Pres. Yoon na lalaban siya para sa kanyang political future kung saan iginiit nito na hindi dapat niya sukuan ang nasimulan dalawang taon na ang nakararaan.

Nakatakdang pagdesisyunan ng Constitutional Court kung tuluyan nang aalisin sa pwesto si Pres. Yoon sa susunod na anim (6) na buwan.

Sakaling masibak sa pwesto, kailangan magsagawa ng snap election ng South Korea sa loob ng dalawang (2) buwan.

Samantala, si South Korean Prime Minister Han Duck-soo na muna ang pansamantalang mauupo bilang acting president habang suspendido ang presidential powers ni Yoon.

Related Articles

National

Jerson Robles

66
Views