Labis ang pasasalamat ni House Speaker Martin Romualdez sa mga Pilipino para sa pagbibigay ng magandang trust at performance ratings batay sa resulta ng isinagawang Tugon Ng Masa (TNM) survey ng OCTA Research para sa ikatlong kwarter ng 2024.
“I am deeply thankful to our people for this gesture, which will inspire us to continue to work hard and even work harder for them. Thank you for your trust and for your approval of the work we do,” saad ni Romualdez.
Nakakuha ang lider ng House of Representatives ng 61% na trust rating at 62% na performance rating, hindi nalalayo sa nakuhang 62% at 63% sa second quarter ng taon.
“The ratings reflect not just trust in me but confidence in the collective work of my colleagues in the House of Representatives. Leadership is shaped by the strength and dedication of those who stand alongside it,” ani Romualdez.
Nangako si House Speaker na patuloy susuportahan ang mga proyekto at programa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nakasentro sa pagbibigay ng magandang buhay sa mga Pilipino.
Aniya, nagsisimula nang magbunga ang pagtutulungan nila na makikita sa bumagal na 1.9% na inflation rate sa bansa nitong Setyembre 2024 mula 4.4% noong Agosto.
“The intervention measures taken by the government under the leadership of President Marcos Jr. are now yielding positive results,” saad ng lider. -VC