IBCTV13
www.ibctv13.com

SRI para sa mga kawani ng gobyerno, aprubado na ni PBBM!

Ivy Padilla
443
Views

[post_view_count]

Photo by Department of Budget and Management

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Administrative Order No. 27 na nagpapahintulot sa paglalabas ng Service Recognition Incentive (SRI) sa lahat ng mga kawani ng gobyerno para sa fiscal year (FY) 2024.

Hindi tataas sa P20,000 ang halaga ng SRI ang inaasahang matatanggap ng mga kwalipikadong kawani ng pamahalaan ng hindi mas maaga sa Disyembre 15.

Ang incentive na ito ay ibibigay sa mga nakakumpleto ng apat (4) na buwang satisfactory government service hanggang Nobyembre 30, 2024, at patuloy na nagtatrabaho sa gobyerno.

Samantala, ang mga empleyadong may mas mababa sa 4 na buwang satisfactory service hanggang sa parehong petsa ay makatatanggap naman ng pro-rated share ng incentive na ito.

Nagpaabot ng pasasalamat si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman kay Pangulong Marcos Jr. kasunod ng pag-apruba sa nasabing kautusan.

“Nagpapasalamat po tayo kay Pangulong Bongbong Marcos sa pag-apruba ng kautusan na magbibigay ng SRI sa lahat ng ating mga lingkod bayan. Sigurado po ako, maituturing itong maagang pamasko ng ating mga kawani at kanilang pamilya lalo’t paparating na ang holiday season,” saad ni Pangandaman.

Ayon sa kalihim, kabilang sa mga makatatanggap ng buong SRI ay ang mga public school teacher at mga military at uniformed personnel.

“First time in history makukuha po ng ating mga guro sa DepEd nang buo ang kanilang SRI. Mula P15,000 noong 2022 at P18,000 noong 2023, magiging P20,000 na po ito ngayong 2024. Kaisa po tayo ng Pangulo sa pagkilala sa hirap at sakripisyo ng ating mga guro na tumatayong pangalawang magulang sa ating mga kabataan,” ani ni Sec. Pangandaman.

“May magandang balita rin po tayo sa ating kapulisan. Kung noong 2023 ay P12,500 lang ang na-receive na SRI ng ating mga PNP employees, ngayong 2024 ay P20,000 na po ang matatanggap nila,” dagdag pa niya.

Paglilinaw ng DBM, nakadepende sa ‘available allotment’ ng mga ahensya ang halaga ng SRI na ipagkakaloob sa kanilang mga empleyado. – AL

Related Articles

National

Jerson Robles

34
Views

National

Divine Paguntalan

857
Views