IBCTV13
www.ibctv13.com

SSS Calamity Loan, mas pinaluwag at pinadali para sa mga biktima ng sakuna

Hecyl Brojan
135
Views

[post_view_count]

Residents are being evacuated as floodwaters rise due to continuous rainfall brought by Tropical Depression Crising. (File photo), Social Security System (SSS)

Inanunsyo ng Social Security System (SSS) ang bagong patakaran para sa Calamity Loan Program (CLP) bilang suporta sa mga miyembrong naapektuhan ng mga kalamidad gaya ng Tropical Storm Crising.

Mula sa dating 10%, ibinaba na sa 7% kada taon ang interest rate para sa calamity loan, para sa mga miyembrong may malinis na credit record.

Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Mayo 1, 2025 na babaan ang interes para sa salary at calamity loans. 

Bukod dito, maaari nang mag-renew ng nasabing loan makalipas ang anim (6) na buwan, kung hindi pa overdue ang naunang utang.

Pinaluwag din ang proseso kung saan ma-a-activate na ito sa loob ng pitong araw na mas mabilis kumpara sa dating halos isang buwan.

Ilan sa pangunahing detalye ng revised CLP:

  • Loanable amount: Katumbas ng 1 Monthly Salary Credit (MSC), hanggang P20,000
  • Repayment term: 24 buwan o 2 taon
  • Service fee: 1% ng halagang uutangin
  • Penalty: 1% kada buwan kung maantala ang bayad
  • Filing: Online sa My.SSS o SSS Mobile App
  • Release: Sa pamamagitan ng UMID-ATM o PESONet-enrolled bank account
  • Eligibility: May hindi bababa sa 36 hulog, rehistrado sa My.SSS, walang overdue loans, at edad 65 pababa

Tinatayang nasa P20 bilyon ang inilaang pondo ng SSS ngayong taon para sa CLP, matapos maglabas ng halos P10 bilyon noong 2024 para sa higit 560,000 miyembro.

Layon ng bagong patakaran na mapabilis at mapadali ang pagkuha ng tulong-pinansyal sa panahon ng sakuna. –VC

Related Articles