IBCTV13
www.ibctv13.com

Sta. Cruz church, isa nang ganap na minor basilica

Hecyl Brojan
144
Views

[post_view_count]

The Church of Our Lady of the Pillar in Sta. Cruz, Manila (Photo from Philippine Roman Catholic Churches/Facebook)

Isang makasaysayang pagkilala ang natanggap ng Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament – Church of Our Lady of the Pillar sa Sta. Cruz, Maynila matapos italaga ni Pope Francis bilang minor basilica, dagdag sa mahigit 25 simbahan sa bansa na may parehong titulo.

Ang ganitong pagkilala ay ibinibigay lamang sa piling mga simbahan na may mahalagang kasaysayan, natatanging disenyo, at malalim na kahalagahang espiritwal.

Kabilang dito ang mga kilalang simbahan tulad ng Quiapo Church, San Sebastian Basilica, at Basilica del Santo Niño sa Cebu.

Sa ilalim ng naturang titulo, mas nagkakaroon ng ugnayan ang isang simbahan sa Santo Papa kung saan maaari na nitong gamitin ang papal keys, isang espesyal na simbolo ng Vatican.

Itinatag ang Sta. Cruz church noong 1619 ng mga Heswita bilang sentro ng pananampalataya ng lumalaking populasyon ng mga Tsino sa Maynila.

Noong 1643, dito inilibing ang replika ng Nuestra Señora del Pilar de Zaragoza mula sa Espanya, na kalauna’y naging patrona ng simbahan.

Ayon sa mga ulat, dalawang lindol ang sumira sa orihinal na istruktura ng Sta. Cruz church bago ito tuluyang nawasak noong World War II.

Muli itong itinayo noong 1957, at taong 2018 ay idineklara bilang Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament ni Cardinal Luis Antonio Tagle.

Wala pang opisyal na petsa para sa pormal na proklamasyon ng Sta. Cruz bilang minor basilica, ngunit nananatili itong mahalagang bahagi ng pananampalatayang Katoliko sa bansa.

Related Articles

Feature

Hecyl Brojan

341
Views