IBCTV13
www.ibctv13.com

Stat Performance Indicator ng Pilipinas, pumangalawa sa ASEAN

Jerson Robles
128
Views

[post_view_count]

(Photo by World Bank)

Napanatili ng Pilipinas ang pwesto nito bilang ikalawang bansa sa Southeast Asia para sa Statistical Performance Indicators (SPI) ng World Bank sa taong 2023 kung saan nakakuha ang bansa ng score na 85.2 na mas mataas kung ikukumpara sa 84 noong 2022.

Ang SPI ay sumusukat sa kakayahan ng mga ekonomiya sa pagkolekta, paggawa, at pamamahagi ng mataas na kalidad ng datos sa publiko.

Ang kabuuang iskor ay nakabatay sa pagsusuri ng kalidad sa limang haligi: paggamit ng datos, kalidad ng data services, data products, information sources, pati na ang imprastraktura.

Nauna sa karerang ito ang Singapore na nakakuha ng score na 88.8.

Sa haligi ng paggamit ng datos, napanatili ng Pilipinas ang perpektong iskor na 100, habang sa kalidad ng data services naman ay nakakuha ang bansa ng iskor na 92.7, kapareho ng nakaraang taon.

Nakakita naman ang Pilipinas ng bahagyang pagtaas sa haligi ng data products, mula 84.8 noong 2022 patungong 85.2 ngayong taon.

Samantala, bumaba naman ang iskor ng bansa sa haligi ng mga pinagkukunan ng impormasyon mula 87.3 noong nakaraang taon patungong 83.1 habang tumaas naman ang iskor ng imprastraktura mula 55 noong 2022 patungong 65 para sa 2023.

Layunin ng World Bank na mapabuti ang mga resulta sa pag-unlad at subaybayan ang progreso patungo sa Sustainable Development Goals (SDGs) upang matugunan ang mga hamon tulad ng kahirapan at hindi pagkakapantay-pantay.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nagbibigay ang mga resulta ng SPI ng mahalagang pananaw para sa pagpapabuti sa sistema ng estatistika ng bansa.

“While the country excels in data use and services, addressing the challenges with the rest of the pillars will be crucial in ensuring sustained progress,” ayon sa PSA. – AL

Related Articles

National

Jerson Robles

72
Views