IBCTV13
www.ibctv13.com

Stock ng bigas sa bansa, tumaas pa noong Nobyembre – PSA

Divine Paguntalan
123
Views

[post_view_count]

(Photo by Philippine News Agency)

Nakitaan ng pagtaas sa stock inventory ang suplay ng bigas sa bansa, batay sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Nobyembre 1, 2024.

Tinatayang nasa 2.46 milyong metrikong tonelada (MT) ng bigas ang naitala sa bansa na mas mataas sa 1.98 milyong MT na imbentaryo sa kaparehong panahon noong 2023 dahilan upang tumaas ito ng 24.4%.

Ayon din sa PSA, tumaas din ang dami ng imbentaryo ng bigas sa month-on-month record ng 7.9% mula sa 2.28 milyong MT noong Oktubre 2024.

Malaki ang naging kontribusyon ng National Food Authority (NFA) depositories na nagtala ng 135.2% sa taunang pagtaas.

Ang patuloy na pagtaas ng suplay ng bigas ay isang positibong indikasyon sa kakayahan ng bansa na tugunan ang pangangailangan ng publiko habang binabantayan ang balanse sa suplay mula sa iba’t ibang sektor upang masiguro na matatag ang dami at presyo nito sa merkado. – AL

Related Articles