IBCTV13
www.ibctv13.com

Stroke, cardiovascular collapse, sanhi ng pagpanaw ni Pope Francis – Holy See Press

Hecyl Brojan
72
Views

[post_view_count]

Pope Francis makes a surprise outing from Casa Santa Marta, where he continues his convalescence, April 10, 2025. Photo from the Vatican News.

Inilabas ng Holy See Press Office nitong gabi ng Lunes, ang opisyal na death certificate ni Pope Francis, na pumanaw sa kanyang tirahan sa Vatican nitong Abril 21, alas-7:35 ng umaga sa Roma, isang araw matapos ang pagdiriwang ng Easter Sunday.

Official death certificate of Pope Francis. Screengrab from the Holy See Press Office official website.

Batay sa inilabas ni Dr. Andrea Arcangeli, direktor ng Directorate of Health and Hygiene of the Vatican City State, na death certificate, pumanaw ang Santo Papa dahil sa stroke, na sinundan ng coma at cardiovascular collapse.

Kinumpirma ang sanhi ng pagpanaw ni Pope Francis sa pamamagitan ng electrocadiogram (EKG) mahigit 12 oras matapos ang kanyang pagkamatay.

Nakapaloob din sa sertipiko na may mga komplikasyong medikal ang Santo Papa bago ang insidente, kabilang ang dati niyang naranasang acute respiratory failure dulot ng bilateral pneumonia, bronchiectasis o pagkakaroon ng komplikasyon sa daanan ng hangin sa baga, altapresyon, at type II diabetes.

Nitong gabi ng Abril 21, pinangunahan ni Cardinal Kevin Farrell, ang camerlengo, ang “rite of the ascertainment of death and deposition in the coffin” sa kapilya sa Casa Santa Marta na tinuluyan noon ng Santo Papa.

Dito isinasagawa ang mga dasal at paghahanda sa katawan ng yumaong Santo Papa para sa pampublikong pagsilay.

Samantala, ayon sa Catholic News Agency, nakatakdang magsimula ngayong Abril 22 ang general congregations ng mga College of Cardinals upang pagplanuhan ang libing ng Santo Papa at talakayin ang pamamalakad ng Simbahan sa panahon ng sede vacante o panahong walang nakaupong Papa.

AL

Related Articles

International

Amy Balliao, Britanya Ngayon

135
Views

International

Amy Balliao, Britanya Ngayon

259
Views

International

Divine Paguntalan

119
Views