IBCTV13
www.ibctv13.com

Summer Programs 2025, inilunsad ng DepEd para tugunan ang kakulangan sa pagkatutuo sa bawat baitang

Hecyl Brojan
229
Views

[post_view_count]

The Department of Education (DepEd) has officially launched its Summer Programs for 2025, integrating a whole-of-community approach to strengthen foundational and grade-level competencies among learners across key stages in public schools nationwide, April 10. (Photo from DepEd)

Opisyal nang inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang Summer Programs 2025 upang palakasin ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbasa at matematika alinsunod sa isinusulong na Bagong Pilipinas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, layunin ng programa na tugunan ang learning gaps sa bawat baitang sa pamamagitan ng tutorials at targeted interventions sa phonics, kasanayan sa pagbasa, bokabularyo, pag-unawa, maging sa bilang, basic operations, at problem-solving.

“We are dedicated to creating opportunities for all students to thrive. Our summer programs are designed to provide the necessary support and resources to help learners overcome challenges and achieve their full potential,” ani Angara.

Narito ang mga program sa ilalim ng Summer Programs 2025 ng DepEd:

Bawat Bata Makababasa – 20-araw na tutorial para sa ikakahasa sa pagbasa ng mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 3.

Isasagawa ito sa mga pampublikong paaralan sa mga lugar na apektado ng pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon sa Western at Central Visayas, gayundin sa Zamboanga Peninsula.

Literacy Remediation – Para sa mga mag-aaral sa Grade 3 na kinilala bilang Low Emerging batay sa mga resulta ng Comprehensive Rapid Literacy Assessment (CRLA) 2024-2025.

Ito ay ipatutupad sa lahat ng rehiyon sa bansa maliban sa 10 paaralan kasama sa Learning Camp, mga rehiyon na apektado ng Kanlaon sa Western at Central Visayas, gayundin sa Zamboanga Peninsula.

Summer Academic Remedial – Para naman ito sa mga mag-aaral mula Grade 4 hanggang Grade 12 na bumagsak sa isa o dalawang asignatura sa buong school year.

Sa mga mag-aaral naman sa early education na bumagsak sa mga asignatura, sa halip ay ididirekta sila sa mga programang nakatuon sa pagbasa, depende sa kung ano ang makukuha sa kanilang dibisyon.

Regional Remediation – Suporta sa pagbasa at matematika para sa mga Grade 4 hanggang Grade 12 learners.

2025 Learning Camp – 4-week program sa 10 paaralan sa Regions I, II, VII, XII, NCR, CAR, at CARAGA.

Ayon sa DepEd, ang mga mag-aaral na nangangailangan ng tulong ay obligadong dumalo sa mga programa.

Bibigyan naman ng vacation service credits at propesyunal na pagkilala bilang insentibo ang mga gurong kalahok.

“We recognize that our teachers are at the heart of learning recovery. These incentives are a way to value their dedication and expertise, particularly during the summer break,” dagdag ni Angara.

Ang mga datos mula sa Summer Programs ay gagamitin upang mapabuti ang pagpapatupad ng Academic Recovery and Accessible Learning Program, na layuning matukoy at matugunan ang patuloy na kakulangan sa kasanayan at pagkatuto ng mga mag-aaral. – VC