IBCTV13
www.ibctv13.com

Suplay ng langis sa Pilipinas, sapat hanggang June 30 – PBBM

Kristel Isidro
404
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. on the sidelines of the inauguration of the new NAIA Expressway (NAIAX) west-bound off-ramp in Pasay City today, March 27. (Screengrab from RTVM)

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mayroong sapat na suplay ng langis sa bansa hanggang Hunyo 30, 2026, kung saan patuloy pa ang ginagawang hakbang ng pamahalaan para makahanap ng karagdagang mapagkukunan nito. 

Sa sidelines ng inagurasyon ng bagong NAIA Expressway (NAIAX) Westbound Off-Ramp ngayong Biyernes, Marso 27, sinabi ng lider na tuluy-tuloy ang pagdating ng mga shipment ng langis sa bansa. 

Partikular na rito ang inaangkat na krudo at pinoproseso upang maging mga produktong petrolyo gaya ng diesel.

Ipinaliwanag ng Pangulo na mataas ang gastos sa direktang pag-import ng refined fuel tulad ng diesel kumpara sa pag-aangkat ng krudo na lokal na pinoproseso.

Nitong Huwebes, Marso 26, dumating na sa bansa ang tinatayang 700,000 bariles ng krudo mula sa Russia bilang dagdag sa lokal na suplay.

Ang naturang shipment ay nakatakdang iproseso sa refinery ng Petron Corporation sa Bataan upang gawing iba pang produktong petrolyo, kabilang na ang gasolina. – IP