
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang patuloy na suporta ng gobyerno sa mga Negrense sa pamamagitan ng trabaho, ayuda, at kabuhayan.
Sa kanyang pangunguna sa Trabaho sa Bagong Pilipinas Job Fair sa Lamberto L. Macias Sports Complex in Dumaguete City, Negros Oriental, hinimok ng Pangulo ang publiko na lumapit sa mga ahensya ng gobyerno para sa tulong.
“Kaya’t huwag po kayong nahihiya. Kapag kayo’y may pangangailangan, sabihan ninyo po itong magigiting nating mga LGU, mga LGU executives, sabihin ninyo ang ating mga iba’t ibang department at iba’t ibang agency kung ano ‘yung pangangailangan ninyo,” paghihimok ng Pangulo sa publiko.
Bukod sa trabaho ay mayroon ding hatid ang job fair na one-stop shop para mapadali ang job applications kasabay ng pagpapatuloy ng pamamahagi ng murang bilihin sa Kadiwa outlets.
Ayon kay Gov. Manuel Sagarbarria, ito na ang ikatlong pagbisita ng Pangulo sa Dumaguete kung saan hatid nito ang mahigit ₱1 bilyong tulong sa probinsya.
Aabot naman sa 1,700 job vacancies ang inialok sa job fair para sa mga naghahanap ng trabaho. – AL