IBCTV13
www.ibctv13.com

Suspensyon sa pag-imprenta ng balota sa 2025 midterm elections, apela ng labor group

Patricia Lopez
197
Views

[post_view_count]

Sample ballots for the testing and roadshow of COMELEC. (Photo by Patricia Lopez)

Naghain ng isang petisyon ang National Confederation of Labor (NCL) para sa suspensyon ng pag-iimprenta ng balota na gagamitin para sa 2025 National and Local Elections (NLE).

Layon ng labor group na masigurong lahat ng naghahain ng kanilang kandidatura o Certificate of Candidacy (COC) ay kwalipikado at tunay ang mga dokumento ng pagkakakilanlan.

Kasunod ito ng maanomalyang pagkahalal kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo matapos lumabas sa mga pagdinig ng Senado at Kamara ang mga pekeng dokumento at umano’y insidente ng ‘Identity Theft.’

“Nasira ang integridad ng balota na nangyari na nahalal si Alice Guo sa Bamban, Tarlac kaya hiningi muna namin na masuspinde muna ang imprenta ng balota para sa eleksyon para matiyak na lahat naghain ng COC ay qualified at hndi [katulad ni] Alice Guo,” paliwanag ni NCL spokesperson Atty. Ernesto Arellano.

Samantala, sa halip na huling linggo ng Disyembre, inurong na ng Commission on Elections (COMELEC) sa Enero 6, 2025 ang simula ng pag-imprenta ng mga balota dahil marami pang kaso sa kandidatura ng local positions ang hindi pa natatapos. – DP/VC

Related Articles