Lumabas sa pag-aaral ng Social Weather Stations (SWS) na 62% ng mga Pilipino ang ‘satisfied’ sa pagganap at pamumununo ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa bansa sa ikalawang kwarter ng 2024.
Ito ay 10% na mas mataas kumpara sa 52% na satisfaction rate na nakuha ng administrasyon noong Marso 2024.
Naitala naman sa 22% ang ‘dissatisfied’ o mga hindi nasiyahan habang bumaba sa 13% ang mga ‘undecided’.
Dahil dito, nakamit ng Marcos Jr. admin ang +40 na net satisfaction rating na tinukoy ng SWS bilang ‘good’, malaking pagbabago mula sa ‘moderate’ +29 noong Marso.
Isinagawa ang naturang survey mula Hunyo 23 hanggang Hulyo 1 saklaw ang kabuuang 1,500 respondente mula sa Metro Manila, Balance Luzon at Visayas.