IBCTV13
www.ibctv13.com

Tara, Basa! Tutoring Program’ ng DSWD, isa nang flagship program

Ivy Padilla
196
Views

[post_view_count]

The conducting of Tara Basa! Tutoring Program in Central Luzon. (Photo by DSWD)

Sa bisa ng Executive Order No. 76, idineklara na ng Malacañang ang ‘Tara, Basa! Tutoring Program’ ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang bagong flagship program ng pamahalaan.

Ibig sabihin nito, dapat suportahan ng gobyerno ang pagpapatuloy ng Tara Basa! Tutoring Program.

“Will ensure the assistance of national government agencies (NGAs) and local government units (LGUs), as well as encourage the private sector, in establishing a collaborative learning program that aims to provide educational opportunities for elementary students,” saad sa EO No. 76.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang DSWD para sa pagkilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanilang programa.

“We express our gratitude to President Ferdinand R. Marcos Jr. for acknowledging the educational assistance program initiated by DSWD Secretary Rex Gatchalian. We are honored to spearhead this initiative, which aims to support low-income students and families,” saad ni DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao.

Inatasan na rin ang DSWD na makipagtulungan sa Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), National Youth Commission (NYC), state universities and colleges (SUCs), local government units (LGUs), at iba pang national government agencies at stakeholders para sa maayos na implementasyon ng programa.

Sa pinakahuling datos ng DSWD ngayong taon, nasa 120,359 college students, non-reader elementary learners, at parents na ang natulungan ng tutoring program.

Sa ilalim ng Tara Basa! Tutoring Program, ang mga kolehiyo ay sinasanay at inilalagay sa mga piling elementary schools upang magsilbing ‘tutor’ sa mga mag-aaral na hirap magbasa.

Nakatatanggap ang mga ito ng sahod alinsunod sa regional minimum wage rate sa kanilang lugar bilang bayad sa 20 tutorial sessions.

Bilang kapalit naman sa pagdalo sa Nanay-Tatay learning sessions, ang mga magulang at tumatayong guardian ng mga bata ay nakakatanggap ng P235 per session.

Inilunsad ng DSWD ang nasabing programa noong Agosto 2025 sa National Capital Region kung saan mas lumawak pa ito ngayong taon sa Central Luzon, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN at CALABARZON. – VC