IBCTV13
www.ibctv13.com

Taripa na ipapataw ng U.S. sa mga produktong mula sa Pilipinas, ibinaba sa 19%

Ivy Padilla
111
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. and U.S. President Donald Trump during the bilateral meeting at the White House. (Photo by PCO)

Ibinaba na sa 19% ang tariff rate na ipapataw sa mga produkto ng Pilipinas na iaangkat patungong Estados Unidos.

Ito ay resulta ng matagumpay na bilateral meeting sa pagitan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at U.S. President Donald Trump sa White House ngayong Miyerkules, Hulyo 23 (PH Time).

Mas mababa ito kumpara sa naunang ipinataw ng pamahalaan ng U.S. na 20% na taripa sa export products ng Pilipinas na dadalhin sa kanilang bansa.

Sa kanyang Truth Social post, pinuri din ni Trump ang husay sa negosasyon at pagiging lider ni Pangulong Marcos Jr.

“He’s a very tough negotiator. I used to like him better than now. He’s too tough,” saad ni U.S. President Trump.

Bilang kapalit, magiging ‘open market’ ang Pilipinas sa Estados Unidos kung saan hindi na lalagyan ng buwis ang mga produkto na manggagaling sa naturang bansa.

Samantala, nagkasundo rin ang dalawang lider na higit pang palakasin ang ang kooperasyon ng Pilipinas at U.S. pagdating sa usaping militar.

Nasa Estados Unidos ang Pangulo para sa isang official visit bilang tugon sa paanyaya ni U.S. President Trump.

Si Pangulong Marcos Jr. ang kauna-unahang lider mula sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) region na inimbitahan ni Trump para bumisita sa kanilang bansa magmula nang maupo ito sa pwesto. – AL

Related Articles