IBCTV13
www.ibctv13.com

Tatlong weather system, inaasahang magpapaulan sa New Year’s Eve – PAGASA

Kristel Isidro
73
Views

[post_view_count]

Photo from Philippine News Agency

Inaasahang magiging maulan ang pagsalubong sa Bagong Taon sa ilang lugar sa bansa dahil sa umiiral na tatlong magkakaibang weather system na magdadala ng mga pag-ulan ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Posibleng makaranas ng maulap na kalangitan hanggang sa kalat-kalat na pag-ulan at mga isolated thunderstorm ang lalawigan ng Catanduanes dulot ng shearline bukas, Disyembre 31.

Samantala, ang easterlies naman ang patuloy na makakaapekto sa lagay ng panahon sa Visayas, Mindanao, MIMAROPA at sa natitirang bahagi ng Bicol Region, kung saan inaasahan ang maulap na kalangitan, kalakip ang panaka-nakang pag-ulan at thunderstorms.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga residente na maging alerto dahil sa banta ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon, mararanasan ang mas malamig na simoy ng hangin dulot ng Amihan o Northeast Monsoon. Bagama’t posible ang isolated light rains, tiniyak ng PAGASA na wala itong inaasahang malaking epekto.

Wala namang binabantayan ang PAGASA na anumang sama ng panahon o low pressure area (LPA) sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR). – VC

Related Articles

National

Kristel Isidro

113
Views

National

Wilnard Bacelonia, Philippine News Agency

216
Views