IBCTV13
www.ibctv13.com

‘Think tank’ na magagamit para depensahan ang WPS, suportado ni Sen. Hontiveros

Alyssa Luciano
284
Views

[post_view_count]

(Photo by Senator Risa Hontiveros)

Nagpahayag ng suporta si Senator Risa Hontiveros para sa pagtatag ng isang ‘think tank’ na nakatuon sa mga pananaliksik at pag-aaral upang mas mapagtibay ang territorial claims ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Matatandaan noong nakaraang taon ay inihain ni Cagayan de Oro City 2nd District Representative Rufus Rodriguez sa Kamara ang House Bill No. 7824 o ang panukalang magsusulong sa pagbuo ng isang ‘think tank’ na tatawagin bilang Center for West Philippine Sea Studies sa ilalim ng Department of Foreign Affairs (DFA).

“I’m inclined to support this measure, considering how it is essential that we keep thinking of more creative strategies to better defend the WPS. Mahalaga ang malalim na pag-aaral para maprotektahan ang ating karagatan, karapatan, at soberanya,” paliwanag ni Hontiveros.

“We won at the Hague precisely because of deep and exhaustive legal and historical research, discussions, and debates. Having a think tank like this proposed Center for West Philippine Sea studies can all the more contribute to the wealth of knowledge and information that could only strengthen our claims,” dagdag niya.

Binigyang-diin pa ni Hontiveros na nakatuon din sa isyu ng WPS ang Blue Economy Act na layuning magkaroon ng ‘sustainable development’ ang marine resources ng bansa.

“Ang panukalang ito ay magsisigurado na ang mga likas-yaman na nakapaloob sa WPS ay mapapakinabangan nating mga Pilipino, partikular na ng mga mangingisda at fisherfolk communities na nakadepende sa WPS para sa kanilang kabuhayan,” saad niya.

Aniya, sa tulong ng Blue Economy Act, magkakaroon ng ‘active role’ ang pamahalaan sa pagtiyak ng ‘marine life’ na sakop ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Matatandaang ipinagdiwang sa Pilipinas ang National WPS Day noong Hulyo 12 na isang paraan para kay Hontiveros upang matiyak na ang tagumpay ng bansa ay “hindi tratuhing parang papel lang na pwedeng itapon sa basura”. – VC

Related Articles