IBCTV13
www.ibctv13.com

Tiwala ng mga Pilipino sa Marcos admin, nananatili – DOF

Divine Paguntalan
212
Views

[post_view_count]

Sa kabila ng mga alalahanin sa inflation rate sa bansa, nananatili ang tiwala ng mga Pilipino sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa sunod-sunod na programa na hatid ng pamahalaan para sa mga pamilyang Pilipino.

Ito ang inanunsyo ni Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto sa press briefing nitong Martes, Setyembre 25, at ang inaasahang pagbagal sa 2.5% ng inflation rate sa bansa para sa buwan ng Setyembre.

Lumabas din sa ‘Trust and Satisfaction Ratings of Top Government Officials’ ng polling survey na Tangere na isinagawa mula Setyembre 16-19, muling tumaas ang ‘trust’ at ‘satisfaction’ rating ng Pangulo ngayong buwan.

Nasa 58.80% ang bilang ng mga Pilipinong nagtitiwala kay Pangulong Marcos Jr. na mas mataas ng 0.30% kumpara sa 58.50% na naitala noong Agosto.

Kaugnay nito, umakyat din ang ‘satisfaction rating’ ng Punong Ehekutibo sa 46.40% mula sa 46% lamang noong nakaraang buwan.

Ayon kay Recto, dahil na rin ito sa tuluy-tuloy na pagbibigay ng social programs para sa mga mamamayang higit na nangangailangan.

“We do have a lot of social programs that we’re undertaking. More or less, 50 percent of all Filipino families will benefit from the budget this year,” pagtitiyak ni Recto.

“Iyong mga ayuda program, iyong 4Ps, AKAP, AICS. You put them altogether, that’s more than [PhP500 billion]. You’re talking about roughly 12 million families would benefit from that. So this is like a wealth transfer,” dagdag niya. — VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

66
Views

National

Ivy Padilla

56
Views