IBCTV13
www.ibctv13.com

Tondo Church, isa nang Minor Basilica — Pope Leo XIV

Hecy Brojan
137
Views

[post_view_count]

The Holy Father, Pope Leo XIV, has elevated the Archdiocesan Shrine and Parish of Santo Niño de Tondo to the rank of Minor Basilica, through a Decree dated November 9, 2025, the Feast of the Dedication of the Lateran Basilica in Rome. (Photo from Archdiocesan Shrine and Parish of Santo Niño – Tondo Manila)

Itinaas na ng Vatican sa Minor Basilica status ang Archdiocesan Shrine and Parish of Santo Niño de Tondo sa Maynila, batay sa Papal Decree na nilagdaan ni Pope Leo XIV noong Nobyembre 9.

Bagaman wala pang itinakdang petsa para sa Solemn Declaration, ipinagkaloob ni Archdiocese of Manila Chancellor Fr. Carmelo Arada ang naturang decree kay Tondo Church Rector Msgr. Geronimo Reyes, na itinuturing ng parokya bilang mahalagang hakbang sa pormal na pagtanggap ng bagong titulo.

“The Holy Father, Pope Leo XIV, has elevated the Archidiocesan Shrine and Parish of Santo Niño de Tondo to the rank of Minor Basilica,” aniya.

Ang naturang simbahan ay itinatag noong taong 1572, na tahanan ng Santo Niño de Tondo—ang ikalawang pinakamatandang imahe ng Santo Niño sa bansa.

Ayon sa pahayag, ang titulo ng Minor Basilica ay iginagawad sa mga simbahan na may makasaysayan, arkitektural, o espirituwal na kahalagahan, at nagbibigay ng mas malapit na ugnayan sa Santo Papa, kabilang ang paggamit ng papal symbol na crossed keys.

“This meaningful moment marks the official transmission of the Holy Father’s decree – an important step in the journey toward our new title as a Minor Basilica,” dagdag dito. – DP

Related Articles