IBCTV13
www.ibctv13.com

Top 10 board passers ng EPLE ngayong Agosto, dinomina ng UP alumni

Alyssa Luciano
799
Views

[post_view_count]

Graduates of the University of the Philippines dominated the Environmental Planners Licensure Exam (EPLE) which was conducted this August. (Photo by PRC)

Nangibabaw ang University of the Philippines (UP) sa resulta ng Environmental Planners Licensure Exam (EPLE) kung saan puro mga graduate nito ang pumasok sa Top 10 board passers ng naturang pagsusulit.

Batay sa datos ng Philippine Regulation Commission (PRC) Board, umabot sa 258 mula sa 348 na mga examinee ang pumasa sa EPLE na katumbas ng 74.14% passing rate.

Nanguna sa pagsusulit ang iskolar ng bayan na si Marco Antonino A. Javier mula sa UP Diliman matapos makakuha ng 84.30% na score.

Sinundan naman siya ng mga kapwa iskolar na sina John Andrew B. Cruz mula sa UP Open University at Raven E. Hipolito mula sa UP Diliman na parehong nakakuha ng 83.95% sa naturang exam.

Pasok din sa top 10 ng EPLE ang mga alumni ng UP Diliman na sina Theresse R. Julia (83.90%), Ian Kenneth M. Dingal (83.65%), Jun Prosini S. Anave (83.45%), Kinna Mae G. Kwan (81.95%), Louie Robert C. Posadas (80.80%), at Alvin John A. Pajo (80.75%).

Hindi rin naman nagpahuli sina Zeilanni Dale A. Galicia mula sa UP Open University (81.85%), Mary Ann M. Marcellones ng UP Visayas-Tacloban City (80.95%), at Gabrelle P. Bagarra (80.80%) na lumapag din sa Top 10.

Isinagawa ang EPLE mula Agosto 19-20 ngayong taon kung saan mabilis na inilabas ang naging resulta nito, Huwebes, Agosto 22.

Related Articles