IBCTV13
www.ibctv13.com

Tourism cooperation sa pagitan ng PH-Brunei, nakatakdang selyuhan sa state visit ni PBBM

175
Views

[post_view_count]

President Ferdinand Marcos Jr. delivers his departure statement before commencing his 2-day state visit in Brunei Darussalam. (PCO photo)

Isa sa lalagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang 2-day state visit sa Brunei ang memorandum of agreement (MOU) para sa tourism cooperation ng Pilipinas at Sultanate country na magbibigay-daan para hikayatin ang mga Bruneian na bisitahin ang bansa.

Binigyang-diin ng Pangulo na nananatiling “important economic engine of our growth” ang sektor ng turismo na nagbukas ng trabaho sa nasa limang milyong Pilipino sa bansa.

“Brunei, despite having a relatively small population, it is the quality of tourists and not the quantity that counts,” bahagi ng departure speech ng Pangulo.

Inaasahang makikipagpulong din si Pangulong Marcos Jr. sa business communities sa Brunei Darussalam upang makahikayat naman ng mamumuhunan sa bansa. -VC

Related Articles