IBCTV13
www.ibctv13.com

Trabaho at Negosyo program para sa MSMEs at job seekers, inilunsad ni PBBM

Khengie Hallig
73
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. successfully launched the Trabaho at Negosyo program for MSMEs and job seekers on Friday, March 3. (Photo from PCO)

Mas malawak na oportunidad para sa mga micro, small, and medium-sized enterprises (MSMEs) at mga Pilipinong naghahanap ng trabaho ang handog ng Trabaho at Negosyo program na inilunsad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong Biyernes, Marso 6.

Dinaluhan ito ng mga negosyante, job seekers, mga ahensya ng pamahalaan, at iba pang katuwang mula sa pribadong sektor.

Nakapaloob sa bagong programa ang learning sessions kasama ang mga eksperto pagdating sa larangan ng negosyo at paglulunsad ng job fair para sa mga naghahanap ng trabaho.

Sa kanyang talumpati, pinuri ng Pangulo ang pagsisikap ng mga Pilipinong negosyante mula sa pagkakaroon ng maliliit na kabuhayan hanggang sa pagpapalago nito.

Pinunto rin niya ang mga hamong kinakaharap ng maliliit na negosyo gaya ng limitadong puhunan at access sa merkado, maging ang pagsabay sa mabilis na takbo ng ekonomiya at teknolohiya dala ng digital technology at artificial intelligence (AI).

Sa kabila ng mga ito, naniniwala si Pangulong Marcos Jr. na kayang magtagumpay ng mga Pilipino basta’t patuloy lamang nilang linangin ang kakayahang sumabay sa pagbabago ng ekonomiya. – IP