IBCTV13
www.ibctv13.com

Trabaho Para sa Bayan Plan, nakikitang magpapabuti sa kalidad ng trabaho sa bansa – DEPDev

Ivy Padilla
94
Views

[post_view_count]

The Department of Labor and Employment conducted a job fair as part of its Project DAPAT. (IBC File Photo)

Bilang pagtupad sa pangako na pagbutihin ang kalidad ng trabaho at tugunan ang patuloy na mga hamon sa labor market ng Pilipinas, nakatakdang ipatupad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Trabaho Para sa Bayan (TPB) Plan.

Ayon sa Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev), ito ay kasunod ng iniulat na pagtaas sa underemployment rate para sa buwan ng Marso 2025 ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Miyerkules, Mayo 7.

Batay sa datos, tumaas sa 13.4% o katumbas ng 6.44 milyon ang bilang ng mga manggagawang hindi nakatatanggap ng sapat na sweldo at nasa trabahong hindi angkop sa kanilang kakayahan para sa buwan ng Marso 2025.

Ito ay higit na mataas kung ikukumpara sa 11.0% na naitala sa kaparehong buwan noong 2024.

Kasabay nito, bumaba rin ang employment rate na naitala sa 96.1% o katumbas ng 48.02 milyon para sa buwan ng Marso 2025 mula sa 96.2% o 49.15 milyon noong Pebrero 2025.

Sa kabuuan, pumalo sa 62.9% o katumbas ng 49.96 milyon ang labor force participation ng bansa para sa buwan ng Marso 2025.

Binigyang-diin ni DEPDev Undersecretary for Policy and Planning Rosemarie G. Edillon na napapanahon na para sa ilunsad ang TPB Plan na magiging roadmap sa pagpapabuti ng kalidad ng trabaho sa bansa.

“The launch of the Trabaho Para sa Bayan Plan is both timely and essential. The latest employment figures highlight the need for a comprehensive set of interventions to increase investments, encourage technology adoption, improve job satisfaction and employment quality,” ani Edillon.

“The TPB Plan will serve as our strategic roadmap toward building resilient employment, fostering competitive enterprises, and preparing a future-ready workforce,” dagdag pa niya.

Nitong Mayo 5 ay pormal nang inilunsad ang Trabaho Para sa Bayan (TPB) Plan na layong magbukas ng tatlong milyong trabaho para sa mga Pilipino. – AL

Related Articles

National

Ivy Padilla

98
Views

National

Divine Paguntalan

135
Views