IBCTV13
www.ibctv13.com

Traslacion 2025, mas mabagal kumpara noong 2024; umabot ng higit 20 oras

Jerson Robles
354
Views

[post_view_count]

Several devotees join the Traslacion 2025 on Thursday, January 9, 2025. (Photo by Michael Peronce, IBC13)

Naging mas mabagal ang usad ng prusisyon ng Poong Jesus Nazareno para sa Traslacion 2025 na isinagawa nitong Huwebes, Enero 9, na inabot ng 20 oras at 45 minuto simula Quirino Grandstand hanggang sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno o Quiapo Church.

Nagsimula ang prusisyon bandang 4:41 a.m. nitong Huwebes nang ilabas ang andas ng Poong Jesus Nazareno sa Quirino Grandstand.

Opisyal naman itong nagtapos bandang 1:26 a.m. ngayong araw, Enero 10 nang makarating ito sa Quiapo Church, ayon sa Nazareno Operations Center.

Mas mabagal ang naging prusisyon ngayong taon kumpara sa naitala noong 2024, na natapos ng 14 oras at 59 minuto.

Samantala, sa pinakahuling tala ng Nazareno Operations Center, umabot sa 8,124,050 na mga deboto ang nakiisa sa Kapistahan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno, mas mataas kumpara sa 6.1 million na mga debotong nakiisa noong nakaraang taon.

Mula sa mga nakiisa sa Pistang ito ay nakapagtala naman ang awtoridad ng 538 na kaso ng mga kinailangan ng medical assistance habang isinasagawa ang prusisyon.

Taunang isinasagawa ang Kapistahan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno tuwing Enero kung saan mag-uumpisa ito sa “Pahalik” sa Quirino Grand Stand na susundan naman ng Traslacion o ang prusisyon ng Poong Jesus Nazareno na nakasakay sa andas pabalik sa Quiapo Church. – AL